Kalahati at apat na dekada Di nga bat kahanga hanga Pag ibig na inyong pinamalas Sa mundong itoy walang kupas Mga pahina nang inyong nobela Sa kwaderno nang buhay nilathala Payak man ang pinag mulan Pag ibig nyo'y busilak noon at kailanman
Ano pa nga ba ang mahihiling?
nang nag iisa ninyong supling
Kundi landas nyo'y tulara't gayahin
Magulang kong gabay sa dilim
Tama nga naman at di kayo perpekto
Mga saserdote nga'y pinapako si kristo
At gaano mang kahirap landas nang mundo
Luha, dugo at pawis, kayo'y nag salo
Tulad nang pag harap ninyo sa dambana
Unang araw nang Agosto, Linggo ng pangilin
Hawak kamay kayong nanumpa't nanalangin
Naging isang tinig at sa langit pinarating
O dakilang bathala na may lalang
Kami ay dingin mo't basbasan
Sa iyong dambana kami ay ninikrapa
Sa hirap sa ginahawa kami ay mag sasama
Daluyong at unos ay susuungin
Biyaya't yaman ay tatamsain
Mga supling ay pag yayamanin
Tanging kamatayan ang magwawalay sa amin
At mula nang mga oras na iyon
Ay inyong nililok ang bawat panahon
Mula sa inihaw at Jai Alai
Lahat ginawa upang ako ay mabuhay
Ngunit talagang mundo ay mapait
Yan ay nasusulat at sumasapit
Ang gintong pangarap nais na makamit
Don sa gitnang silangan sumabak sa init
Sa araw na itong ating ginugunita
Ang pangako nyong sa langit at Dyos nunumpa
Tangapin nyo yaring Payak kong tula
Nag pag Bati sa inyo at lubos na pag hanga
Ama kong nasa langit o Dyos na may likha
Akin pong inaalay pagiging makata
Ito po'y iyong bawiin wag lang mawala
Panahon na nararapat sa Magulang kong dakila
O aking Ama ito ang aba kong panalangin
Tanging yan lang ang aking hiling
Patuloy mong silang basbasan at pag yamanin
At marami pang anibersayo na sila'y magkapiling
Happy Anniversary Daddy Roger and Mommy Odie
Comments