top of page

Elektrisyan

Writer's picture: Shaider Vitan WongShaider Vitan Wong

tila yata di lang minsan

nang ikaw ay aking sabihan

ikaw ang nais na kasama

sa lungkot man o ligaya


ngunit ni minsan ba ay iyong naisip

bakit sya ganoon, taksil at kay pait

ang alam mo lang ay poot, galit at pasakit

sya lang walang iba sanhi nang iyong sinapit


o pag sintang labis nga ang kapangyarihan

maging matalino ka man tulad ni Batman

walang saysay sa isang pusong hunghang

na walang ibang nais kundi ligaya nang laman


salamin salamin sa kanyang dingding

sya poy kausapin di bale nang mag mukhang praning

paminsan-minsan ay sunulyap din

sanhi nang lahat ay di nag mula sa akin


tama ka o dakilang balagtas

di na kailangan pa nang pantas

upang malaman bakit nya ginawa

hahamakin ang lahat di bat sabi mo nga


sang ayon man ang madla sa sitwasyon

kinabukasan mo kahapon hindi bay ngayon?

di kalayuan kung iyong lingunin

pinang galingan nang nangyari sa atin


bakit ba kailangan pang tumula?

bakit nga ba, di bat ako ang may akda?

tanong mong bakit para sa akin ay dakila

subalit sa iyo ay isa lamang salita


umasa at umaasa pa rin ako

kahit pa man paulit ulit mong ginago

putang ina walang wisyo ang kwago

kung ihahambing sa tulad mong hunyango


ay sus me di ako Pagod ah

shaider nga ako limot mo din ba?

pumarot parito ka man o guminda

sa pag ngiti ko ay may kalalagyan ka......


halimuyak na dulot nang pag ibig sa iyo

walang sinabi kahit ang biyak na bato

kung saan sinumpa nang maraming mga tao

di lang dugo ang inalay ko sa iyo


wag kang mang hinayang o aking sinta

sa mga sandaling kumanlong sa iba

pagkat itoy iyo at ikaw ay sa kanya

na maging ang tulad ko ay di dapat humusga


subalit wag ding paka kampante

electrician na nga namatay pa sa kuryente

yan ang iyong tatandaan o aking ate

dyaryo ko noon ay abante at remate


o sya hangang sa muli

wag mag alala ako ay di namumuhi

bagkus ako ay maligayang tunay

sa mabigat na practice mong ibinigay

10 views0 comments

Recent Posts

See All

Panalangin

Wong Hoi Li

Comments


Post: An Empty Page
bottom of page