top of page

Doo Bee Doo Bing Shunga....

Mangarap ka, mangarap ka

Ugok ka palang kumag ka

Eh hindi ka naman siya

Parang tanga ka pa ding umaasa


Yeah bah sige mangarap pa

Walang patumangang pag hihintay

Na sa isip nya'y di nya taglay

Dakilang bugok kang hunghang ka at wala kang karamay


Daming tanong sa isipan di ba

Kolokoy ka naman talaga eh

Kelan magiging asul ang pula

Tang nang to adik ka ba?


Hintay hintay, buti pa pulis sa tulay

May pancit na naka tae pa

Eh ikaw ipot kang gago ka

Asa pa ring darating............. Tol isa ka ngang Praning


At wag mo kong madaan sa matamis mong salita

Mga makata mong wika at kataga

Tang na ka asa ka pang mayron kang halaga

Meron nga rin naman, ikaw yung basura..........


O sya dyan ka na........... Di ka naman napapagod di ba!?

Tuloy mo lang yang laban mo, este yabang pala

Ikaw yung pako sa gulong di ka dakila

Ang tanging papel mo ay laruin at maminsala


Uy kumag may luha luha ka pa

Ano yan drama para ba may maawa

At bakit ka naman pakikingan

Buhay mo nga mismoy walang katuturan..........


Pero salamat nga rin pala

At least ikaw yung ginago at ginagago pa

Eh di ba obvious na obvious naman

Wla kng silbe magpakailan man


Sulat sulat ka pang gago

Paulit ulit naman at alang bago

Buti ngat iminulat iyong mga mata

Sa sarili mong kwarto oh di ba ang saya.............


Swerte ka ding buset ka

Andito pa rin ako ano pa nga ba

Eh puta naman minsan dumilat ka.....

Nag makita mong ako ay ikaw at tayo ay iisa............


Sige lang sugod lang bahala na

Bahala na kung mag ka bistuhan pa

Basta handa na ang tambol na lata

Kasabay mo ako sa pag bagsak nang paa


Hetoooo na........

Hettoooooo na.........

Heeeettttooooo pa..............

8 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Post: An Empty Page
bottom of page