top of page

Peez Weet

Updated: Dec 1, 2019

I already forgot when I made this freakin piece, I just got lucky during my recent vacation that I was able to see it in one of the scratch papers that I was about to dump, could have been another one down the drain but instead got another lease in life to be published in the net hee hee hee


I think I made this one for Norman and Gern although I'm really not that sure, anyway, just try to relate if you can.


Oy!!! Pwede bang magtanong ang isang tulad ko sa ganitong pagkakataon

Pagkat ayaw kong lahat ay mabaon

Pagkakaibigang ginulong, tuloy nati't isulong


Sino ka bang pumarito nang minsan

sa mundo na hinabi mula sa kawalan

Dahan dahang sumokob sa puso't isipan

binigkis nang usok na kapatiran

higupin natin at pagsaluhan


ngunit ito ba'y dito lang

hangat di nauubos ang salang

at pag tumirik na sa mahabang daan

ako ba'y kaibigan o isa lammang buang

wangis nang usok na lumipad sa parang


at sa dami nang ginugol na panahon

ulan at araw, gabi at dapit hapon

ugali, prinsipyo, kwentong nasa dahon

pinagsaluhan natin ito man ay lason


alam kong higit pa ang iyong damdam

tulad nang akin na may inaasam

na sana'y higit sa sinunog at kalam

giyang sa kadahilanang ika'y inaasam

patunay na higit sa ginamit na daan

tungo sa mundong ikaw at ako ang may lalang

ay magagawa mong isigaw at ipaalam

wala mang ubas sa mundo 

ikaw at ako ay magkaibigan


12 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


Post: An Empty Page
bottom of page