Bakit kaya ganito
Wala na kayang pagbabago?
Ang iniingatang buhay kong ito
Inaalipusta na lang lagi kahit nino
Sukdulan na kaya akong masama
Hindi kaya ako nakakaawa?
sino nga bang sasagot neto
kundi ang sarili ko
Hindi ko maintindihan
Lahat ng kinahihinatnan
Hindi ko ito gusto
Wala na ba akong pag-asang magbago?
Isip ko'y nalilito
Nagpupumilit magbago
Ngunit maski magulang ko
Tingin nila sa akin ay gago.
alam kong marami akong pagkukulang
at higit na kay daming kamalian
ngunit ano bang magagawa ko
Hindi po ba ako'y isa lamang tao?
Problema ko'y patong patong
kay dami pa man ding nang gagatong
wala na pa kong karapatan
na makapag desisyon man lang?
Wala na nga siguro akong magagawa
Kahit ako'y mag-ngangangawa
Mabuti pang maging bangkay
Magkasakit na sana sa atay
"Itay. inay ako ay patawarin."
Lagi ko 'yang sambit hangang libing
Ngunit wala ring kabuluhan
at wala pa ring kahahantungan
lagi na lang akong minamaliit
dahil ako raw ay ubod nang kulit
si nanay walang ibang sambit
sa buong mubdo kundi ako'y pangit
ngunit ano ba ang magagawa ko
isinilang ninyo akong ganito
hindi ko naman ito ginusto
mamatay na lang sana ako
at kung sakali nga't mamatay mayroon sana akong hiling
makuha nyo sana akong patawarin
dahil kayo ay mahal na mahal ko
kahit pa kinasusuklaman nyo
Sa paningin nang madla'y wala akong nagawang maganda
kahit pa tanging hangad ko'y bigyan kayo nang ligaya
kanya lang lahat nang gawin koy di tama sa inyo
paumanhin ama, ina, mapatawad nyo nawa ako
At kung sakaling ako'y magkaroon ng kapatid
Sa kanya ay wag nang ipadama
hapdi nang pamilyang miminsan lang magsama
tiyak na ang sakit ay kanyang iiinda....
paalama na ako po ay pagod na
di man ako sumusuko, nais ko na ring ipahinga
mulit muli ay patawad ang pag samo ko
patawad sa pesteng buhay kong ito............
Comments